Recent Posts

Breaking News

3 dam sa Luzon nagpakawala na ng tubig

Nagpakawala ng sobrang tubig ang Binga, Magat at Angat Dams dahil sa bagyong Ulysses.

Ayon kay state hydrologist Richard Orindain sa online briefing ng Pagasa nitong Huwebes, nagpakawala ng tubig ang Binga Dam sa Benguet at Magat Dam, pangunahing pinagkukunan ng irrigation water sa Luzon, matapos lumagpas sa “normal water level”.

Apektado nito ang mga Barangay Dalupirip at Tinongdan sa Itogon, Benguet.

Samantala, apektado naman ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu sa Isabela.

Nagsimula namang maglabas ng tubig ang Angat Dam ng ala-una ng hapon.

Apektado nito ang Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy sa Bulcan.

The post 3 dam sa Luzon nagpakawala na ng tubig first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-dam-sa-luzon-nagpakawala-na-ng-tubig/)

Walang komento