Recent Posts

Breaking News

2 sa Cordillera patay kay Ulysses

Dalawang katao ang naiulat na pumanaw habang nananalasa ang Bagyong Ulysses sa Cordillera Administrative Region.

Ito ang naitala ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) as of 8 p.m. kagabi.

Ang isang namatay ay taga-Atok, Benguet na ang bahay ay tinamaan ng nabunot na mga bamboo plant.

Samantala, ang isa pa ay taga-Buguias, Benguet. Nailigtas siya mula sa pagguho ng lupa pero dineklarang dead on arrival sa ospital.

Samantala, ayon sa CDRRMC, 263 pamilya sa 25 barangay ang apektado ng bagyo.

Habang 63 pamilya naman, o 243 indibidwal, ang kasalukuyang nasa mga evacuation center.

May kabuuan namang 176 pamilya o 566 katao na nasa labas ng mga evacuation center. Sabi ng CDRRMC, karamihan sa mga pamilya ay piniling manatili kasama ang kanilang mga kamag-anak kaysa pumunta sa mga evacuation center.

The post 2 sa Cordillera patay kay Ulysses first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-sa-cordillera-patay-kay-ulysses/)

Walang komento