Recent Posts

Breaking News

2 patay, 4 nawawala sa Bicol dahil kay ‘Ulysses’ – OCD

Dalawa ang naitalang nasawi habang apat ang naiulat na nawawala sa Bicol Region matapos ang pagbayo ng bagyong Ulysses sa Luzon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes.

Nagmula ang dalawang nasawi sa Camarines Norte.

Ang isa ay 68-anyos na lalaki na nakitang patay sa bubong ng kanyang bahay sa bayan ng Daet.

Bigla naman daw nag-collapse ang 70-anyos na lalaki nang babangon na sana sa kanyang higaan.

Mula rin sa Camarines Norte ang apat na nawawala.

Samantala, walo katao ang sugatan.

The post 2 patay, 4 nawawala sa Bicol dahil kay ‘Ulysses’ – OCD first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-patay-4-nawawala-sa-bicol-dahil-kay-ulysses-ocd/)

Walang komento