Recent Posts

Breaking News

Westbrook $8K ang tip sa hotel

GALANTE!

Nagpakita ng labis na pagpapahalaga at kakaibang pasasalamat si National Basketball Association superstar Russell Westbrook ng Houston Rockets sa housekeepers ng Grand Floridian Hotel nang magtip ng $8,000 tip.

Ibinisto ito ni Brad Townsend ng The Dallas Morning News nang iwananan ng player ang NBA bubble sa Orlando, Florida.

Kahit hindi inihayag ang eksaktong halaga ng kanyang iniwang tip, kinumpirma naman ng All Star ang ginawa niya nang lisanin ang isa sa nagging playing venue ng 74th season ng major league.

“They took great care of us,” lahad ni Westbrook. “Took the time and energy to do their job at a high level. That was the right thing. I like to do the right thing.”

Ayon pa kay Townsend, iniwan ring “virtually spotless” ni Westbrook ang kanyang hotel room.

The post Westbrook K ang tip sa hotel first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/westbrook-8k-ang-tip-sa-hotel/)

Walang komento