Recent Posts

Breaking News

Virus case sa PH akyat sa 351K

Inulat ng Department of Health (DOH) ang 3,139 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Kaya naman, ang kabuuang bilang ng mga nahawa sa sakit ay 351,750.

Kabilang dito ang 50,354 active case.

Samantala, sinabi rin ng DOH ngayong Biyernes na nadagdagan ng 786 ang mga gumaling at 34 na yumao.

Ang kabuuang bilang ng mga naka-recover ay 294,865 habang 6,531 ang mga ginupo ng COVID-19.

The post Virus case sa PH akyat sa 351K first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/virus-case-sa-ph-akyat-sa-351k/)

Walang komento