Recent Posts

Breaking News

Vina Morales nanakawan ng phone sa loob ng kotse

Sinubukang habulin ni Vina Morales ang snatcher ng kanyang cellphone sa EDSA.

Kuwento niya sa Instagram, Oktubre 2, “may nag-snatch ng phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po.”

Naiwan aniya niyang bukas ang bintana ng kanyang kotse habang nasa EDSA, tapat ng Phoenix gasoline station.

“Reaction ko po ay hinabol ko,” sabi pa ng 44-anyos na singer-actress.

Inimbitahan si Vina sa police station matapos ang insidente para mag-report pero tumanggi siya. “Sabi ko, ‘wag na lang po kasi po may COVID. Telepono lang naman ‘yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganung tao.”

“Etong message ko, just letting you know na mag-ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya,” aniya pa.

The post Vina Morales nanakawan ng phone sa loob ng kotse first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vina-morales-nanakawan-ng-phone-sa-loob-ng-kotse/)

Walang komento