Recent Posts

Breaking News

US President sinugod sa ospital dahil sa COVID

Washington DC – Ilang oras matapos magpositibo sa Covid 19 ay nilagnat, inubo at nakaranas ng nasal congestion si US President Donald Trump kaya nagpasya ang mga doctor nito na dalhin siya sa ospital.

Nasa Walter Reed Military Medical Center sa Bethesda, Maryland ngayon ang US President dahil mild symptoms ng coronavirus.

Pero bago dinala sa ospital ay binigyan ito ng single 8 gram dose ng Regeneron’s polyclonal antibody cocktail, Vitamin D, melatonin at aspirin.

Ayon sa mga doctor nasa higher risk of greater complication ang Pangulo ng Amerika dahil sa edad nito at pagiging obese.

Ayon kay White House Press Secretary Kayliegh McEnany, pansamantala munang mag-oopisa si Trump sa isang executive suite sa loob ng Walter Reed Military Medical Center habang minomonitor ng mga doktor.

Bukod kay  Trump ay tinamaan din ng nakamamatay na coronavirus si US First lady Melania Trump na kasalukuyan ding minomonitor ng mga doctor sa White House.

Una na munang tinamaan ng virus ang senior aide ni Trump na si Hope Hicks na pinaniniwalaang nakahawa sa Pangulo ng Amerika.

Magugunita na minaliit ni Trump ang COVID19 pandemic na umani ng batikos sa buong mundo.

The post US President sinugod sa ospital dahil sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-president-sinugod-sa-ospital-dahil-sa-covid/)

Walang komento