Recent Posts

Breaking News

Ugaliin paghuhugas ng kamay – DepEd

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na turuan ang mga anak na gawing habit ang paghuhugas ng mga kamay.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nagdiriwang ang kagawaran ng “Global Handwashing Day” tuwing Oktubre 15 simula pa noong 2000.

“Now under the new normal, our Basic Education-Learning Continuity Plan also integrates handwashing practice as part of the required health standards,” saad ni Briones.

Samantala, inanunsyo ng DepEd ang partnership nila sa Department of Health at UNICEF para mapalakas ang kampanya sa wastong paghuhugas ng mga kamay lalo na ngayong pandemya.

“Together with DepEd, we are calling on everyone to do their share to beat the COVID-19 virus today and ensure better health outcomes beyond the pandemic,” apela ni Health Secretary Francisco Duque III.

The post Ugaliin paghuhugas ng kamay – DepEd first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ugaliin-paghuhugas-ng-kamay-deped/)

Walang komento