Recent Posts

Breaking News

Trophy kinausap ni LeBron

Halatang na-miss ni LeBron James ang Larry O’Brien Trophy.

Apat na taon ang hinintay ni James bago nahawakan ulit ang tropeo.

Back-to-back champion si James noong 2012-2013 sa Miami, tatlong taon ang dumaan bago itinaas ang pangatlo.

Matapos agawan ng titulo ang Golden State noong 2016 habang nasa Cleveland, naburo ang selebrasyon ni James.

Lumipat sa Los Angeles noong 2018, sa pangalawang season niya ay champion na muli.

Nitong Linggo sa NBA Finals, kinumpleto ng Lakers ang 4-2 win sa Heat at nag-reunion sina LeBron at ang Larry O’Brien Trophy.

Kuha sa video ng teammate niyang si JaVale McGee ang reaksiyon ng The King nang mahawakan na ang kumikinang na testamento ng last man standing.

“I can’t believe you cheated on me for the last four years,” ani James. “What is wrong with you? I’m going to bring you ass home when the lights come off.”

Parang dyowa lang na nagtampo sa kanya, pero ngayon ay bumalik na.

Magtagal kaya sila?

The post Trophy kinausap ni LeBron first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trophy-kinausap-ni-lebron/)

Walang komento