Recent Posts

Breaking News

Thirdy napurnada Japan debut

Hindi makakasama si Thirdy Ravena sa opening game ng kanyang koponan sa Japan B. League.

Hinihintay pa kasi ng dating ‘King Eagle’ ang kanyang visa para makabiyahe patungong Japan.

Ngunit kahit makapunta sa Japan ay sasalang pa rin sa 14 day mandatory quarantine si Ravena at paniguradong mababakante ang ilang laro ng San-en Neo Phoenix.

Magkakaroon ng back-to-back na laro ang Neo Phoenix sa weekend kontra Chiba Jets, kung saan malabong makalaro ang three-time UAAP Finals MVP.

The post Thirdy napurnada Japan debut first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/thirdy-napurnada-japan-debut/)

Walang komento