Recent Posts

Breaking News

Thirdy lumanding na sa Japan

NAKALAPAG na sa Japan si former UAAP Finals MVP Thirdy Ravena.

Lalaro si Ravena bilang Asian import sa San-en NeoPhoenix team para tulungan sa kampanya nila sa Japanese B.League.

Nakaraang Linggo pa sana nakarating sa Japan si Ravena pero nagkaroon ng problema kaya naudlot ito, dahilan para hindi makalaro sa opening at ibang laban.

Sadsad ang NeoPhoenix sa unang apat na laro kaya umaasa sila na makakalsuhan ang kanilang kamalasan kapag nakalaro na si Ravena.

Dadaan muna si Ravena sa ilang health protocols procedure sa Japan bago makalaro at makasa ang teammates. (Elech Dawa)

The post Thirdy lumanding na sa Japan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/thirdy-lumanding-na-sa-japan/)

Walang komento