Recent Posts

Breaking News

‘The Beast’ pakakawalan na! Abueva kasama sa Phoenix lineup

Isang player ang matagal tinutukan ng spotlight kahit pa naka-break ang PBA dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay walang iba kundi si ‘The Beast’ Calvin Abueva, na matatandaang nasuspende noon pang 2019 dahil sa pananakit nito sa import ng TNT na si Terrence Jones.

Makalipas ang lampas 15 buwan, mukhang nalalapit na ang pagbabalik hardcourt ng seven-time PBA All-Star.

Sa official lineup na nilabas ng PBA, kasama ang pangalan ni Abueva sa lineup ng Phoenix Super LPG na maglalaro sa PBA bubble.

Ngunit mayroong tanda sa kanyang pangalan na “eligible to play upon completion of requirements.”

Sa ngayon ay nasa proseso na si Calvin ng pag-renew ng kanyang playing license sa Games and Amusement Boards, at posibleng kapag natapos ito ay makasalang na siya sa aksyon sa PBA.

 

 

The post 'The Beast' pakakawalan na! Abueva kasama sa Phoenix lineup first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/the-beast-pakakawalan-na-abueva-kasama-sa-phoenix-lineup/)

Walang komento