Recent Posts

Breaking News

‘The Beast’ kumpiyansa na makakabalik sa PBA

Muling nagparamdam si Calvin “The Beast” Abueva sa posibilidad na tuluyang makabalik sa Philippine Basketball Association (PBA) sa nalalapit na magbukas na ika-45 taon ng liga sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Oktubre 11.

Ito ay matapos na magpaskil ang Phoenix LPG Super Kalan player sa kanyang Instagram nitong Miyerkoles ng isang poster na may nakasulat na “Comeback Ni The Beast” poster na minsang ginamit niya sa isang podcast.

Una nang ipinahayag ng Games and Amusements Board (GAB) noong Biyernes ang pagbabalik sa professional license ng basketbolista habang mayroon na lang isa-dalawa pang kailangang kumpletuhin na napagkasundaan ng ahensiya ng gobyerno at PBA board bago pa magsimula ang 2020 Philippine Cup.

Ang mga ito ay ang seminar sa The Code of Conduct and Ethical Standards of a Professional Athlete at pirmahan ang pagsang-ayon niya sa mandatory drug test bilang parte ng mga medical requirements.

The post ‘The Beast’ kumpiyansa na makakabalik sa PBA first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/the-beast-kumpiyansa-na-makakabalik-sa-pba/)

Walang komento