Recent Posts

Breaking News

Tenorio ‘di tiyak vs Road Warriors

Tatlong araw na lang, babalatan ng Ginebra ang kampanya sa Philippine Cup sa restart ng PBA sa AUF gym sa Pampanga.

Pero hindi pa sigurado kung makakalaro na sa Linggo ang court general ng crowd favorites na si LA Tenorio.

Noong isang linggo’y sumailalim sa appendectomy ang 36-anyos na guard, nitong Miyerkoles siya pumasok sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble pero limitado pa ang galaw.

Main game ng double-header sa Linggo, 6:45 pm, ang Gin Kings laban sa NLEX. Babasagin ng bakbakang TNT Tropang Giga-Alaska Aces ang hostilidad sa unang match ng 4:00 pm.

Day-to-day si Tenorio, malamang sa game day na malalaman kung palalaruin siya ni coach Tim Cone.

Kung wala ang Tinyente, sina Stanley Pringle at Scottie Thompson muna ang bahala sa backcourt ng Gins.

The post Tenorio ‘di tiyak vs Road Warriors first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tenorio-di-tiyak-vs-road-warriors/)

Walang komento