Recent Posts

Breaking News

Teammate of the Year iginawad kay Holiday

Nag-desisyon ang NBA players, si Jrue Holiday ng New Orleans Pelicans ang pinakamainam na kakampi.

Nitong Martes, iginawad kay Holiday ang Twyman-Stokes Teammate of the Year award.

Mula sa 12 finalists, nakakuha si Holiday ng 53 mula sa 267 first-place votes para ungusan sina Tobias Harris ng 76ers (48 first-place votes), Kyle Korver (36) ng Bucks, at Udonis Haslem (20) ng Heat.

Ibinase ang award sa selfless play, on- at off-court leadership, at commitment sa team.

Noong July, kasama ang asawang si Lauren na dating player ng US women’s national soccer team, itinatag ni Holiday ang Jrue and Lauren Holiday Social Justice Impact Fund para tulungan ang Black-owned businesses sa New Orleans, Los Angeles area at Indianapolis.

Dinonate dito ni Holiday ang $5-M na suweldo niya sa NBA season restart.

Ipinangalan ang award kina Jack Twyman at Maurice Stokes, parehong miyembro ng Basketball Hall of Fame na naging BFF for life dahil sa insidente sa final game ng 1957-58 season nang abutin ng brain injury si Stokes.

Na-paralyze si Stokes, hanggang namatay noong 1979 ay inalagaan siya ni Twyman. Namatay si Twyman noong 2012.

The post Teammate of the Year iginawad kay Holiday first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/teammate-of-the-year-iginawad-kay-holiday/)

Walang komento