Recent Posts

Breaking News

Taulava kinarir ang paglalaba

Kanya-kanyang diskarte ang mga Philippine Basketball Association (PBA) player sa Bubble sa Clark Freeport Economic Zone.

Bukod sa pagkaroon ng tindero, may labandero na rin.

Pinaskil ni Blackwater Bossing coach Raoul Cesar ‘Nash’ Racela social media account niya ang kanyang mga sinampay sa banyo na siya ang naglaba.

Ang parang hindi nagkakaedad na si Paul Asi Taulava, video-han ang sarili habang naglalaba.

Nagdemo pa at nagbigay pa ng tips sa tamang paglalaba ang Fil-Tongan. Ginawa niyang planggana ni ang lababo at doon nagkusot.

“This is when you miss your wife, your mom, all your loved ones, your nannies, your yayas,” aniya.

Nagbiro pa ang cager at teammate Philip Paniamogan na ang kanilang portable washing machine ang inidoro.

Pero hirit ni Taulava kay Paniamopgan, “We are not gonna go there.”

The post Taulava kinarir ang paglalaba first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taulava-kinarir-ang-paglalaba/)

Walang komento