Recent Posts

Breaking News

Target ng Senado sa 2021 budget susundin ng Kamara

Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chair Rep. Eric Yap na susundin nila ang kahilingan ng Senado na maipadala sa kanila ang 2021 budget sa Oktubre 28.

Ngunit paglilinaw ni Yap, ito’y hindi pa hard copy.

“Hindi ko puwedeng ipahiya ang Speaker ko. It will be Oct. 28. But hindi siya ‘yung hard copy. Kung ano ‘yung sinubmit namin sa NPO, ‘yun ‘yung ibibigay namin sa kanila (Senado) which is ‘yung print lang, ‘yung sa white paper lang,” ayon kay Yap.

Nilinaw din ni Yap na walang insertion na gagawin ang mga kongresista para sa bawat individual amendments sa budget, sa halip mga amendments lamang mula sa mga ahensiya.

“Ngayon kapag nagreklamo pa sila (mga senador) doon eh wala na kong masasabi talaga dun. Suko na ko. Taas na ang kamay ko,” dagdag ni Yap.

The post Target ng Senado sa 2021 budget susundin ng Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/target-ng-senado-sa-2021-budget-susundin-ng-kamara/)

Walang komento