Recent Posts

Breaking News

Swab test ng pauwing OFW sasaluhin ng ibang test lab

Ikinukunsidera ng gobyerno ang pagkuha sa serbisyo ng ilang high testing capacity laboratory sa sandaling itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab testing sa mga pauwing overseas Filipino worksrs (OFWs) sa bansa.

Ito ang inihayag ni National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez kasunod ng pahayag ni Senador Richard Gordon na siya ring presidente ng Red Cross na ititigil na nila ang swab testing para sa mga OFW na binabayaran ng Philhealth dahil sa P930 million na utang ng ahensiya.

Sinabi ni Galvez na tinitingnan nilang kunin pansamantala ang serbisyo ng JB Lingad Memorial Medical Hospital, gayondin ang Lung Center of the Philippines at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa swab testing ng mga pauwing OFWs habang inaayos ng gobyerno ang problema sa PRC.

“Mayroon po tayong high capacities testing laboratories. So inaano po natin na sa JB Lingad na mataas po ang capacity nya na 4,500 na trmporarily just in case magkakaroon po ng pagtigil ng testing po ang Red Cross, sa Lung Center at saka sa RITM,” ani Galvez.

Inaayos na aniya ngayon ang problema sa Phillealth, at kinakausap na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Bagong Pangulo ng Philhealth at ni Senator Gordon.

Humingi naman ng dispensa si Presidential Spokesman Harry Roque sa PRC at ginagawa na aniya ang mga pag-uusap para maayos ang problema sa napakalaking utang ng Philhealth sa Red Cross.

Pinawi din ni Roque ang pangamba. ng mga pauwing OFW at tiniyak na makakapasok pa rin sa bansa dahil maraming testi laboratories na gagawa ng COVID testing pagdating sa airport.

“Huwag pong mag-alala ang ating mga kababayan makakapasok pa rin po lahat ng OFWs because as I said dati po iisa lang iyong testing facility, ang RITM, pero ngayon po 112 RT-PCR laboratories at 35 GeneXpert Laboratories. So makakapasok at makakapasok po ang mga umuuwing OFWs,” ani Roque.

The post Swab test ng pauwing OFW sasaluhin ng ibang test lab first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/swab-test-ng-pauwing-ofw-sasaluhin-ng-ibang-test-lab/)

Walang komento