Recent Posts

Breaking News

Suns coach malaki tiwala! Pinoy baller sa NBA dadagsa kina Sotto, Green

Hindi malayong magsimula nang dumami ang mga basketbolistang Pinoy sa NBA kung magtagumpay sina Kai Sotto at Fil-Am Jalen Green sa G League.

Ayon kay Phoenix Suns coach Monty Williams, ang pagiging parte ng developmental program ng dalawang manlalaro ay malaking pag-angat sa tingin ng NBA sa mga Pinoy na manlalaro.

Aniya, kung magtutuloy-tuloy lang ang pag-usbong ng mga Pinoy baller at maging tanyag man ang isa kina Sotto o Green, nakikita niyang posibleng magaya sa Canada ang Pilipinas na biglang dumami ang bilang ng mga NBA player.

“There was a time where Canadians, they are just north of the border, there weren’t that many Canadians who had pushed themselves into the level of high-level college players,” saad ni Williams sa Republika Huddle podcast.

“And now, you see this influx, Jamal Murrays, (Andrew) Wiggins, and all these guys coming from Canada. It’s like, it’s just starting to happen every year. It started with one or two guys back in the day,” aniya pa.

Paniniwala pa ng NBA head coach, posibleng umabot sa 10 hanggang 15 na manlalaro ang isalang ng Pilipinas sa NBA kung magtutuloy lang sa mga basketball program para lumakas ang mga local talent.

The post Suns coach malaki tiwala! Pinoy baller sa NBA dadagsa kina Sotto, Green first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suns-coach-malaki-tiwala-pinoy-baller-sa-nba-dadagsa-kina-sotto-green/)

Walang komento