Recent Posts

Breaking News

‘Sumpa’ tatagpasin ni Guiao, NLEX

Mga laro Sabado: (AUF Gym)

4:00pm – Blackwater vs. NLEX

6:45pm – Alaska vs. Magnolia

Clark Smart Giga City – Handa nang pindutin ng NLEX ang reset button para umpisahan muli ang kampanya sa PBA Philippine Cup.

Inumpisahan ng Road Warriors ang restart sa Clark bubble sa dalawang talo – mga laro na kaya nilang ipanalo pero nag-collapse sa dulo.

Una silang tumukod sa Ginebra 102-92 noong Lunes.

Sa 103-100 setback sa Magnolia noong Miyerkoles, sa final 32 seconds na nakawala ang ‘W’ na abot-kamay na matapos dumistansiya ng 22.

Abante pa ang Road Warriors 100-97 nang makumpleto ni Paul Lee ang 4-point play bago pinalitadahan ng dalawang charities ni Mark Barroca ang panalo ng Hotshots.

“Understandably, we were very disappointed. That was a game we felt we still could have won,” ani coach Yeng Guiao sa media availability kinabukasan.

Dalawang bagay ang nakikita ng coach na nagpabagsak sa kanila.

“One, turnovers. Two, bad breaks that the Magnolia team just overwhelmed us with free throw shooting,” lahad niya. “You’re bound to lose even with a big lead. Bad breaks, I felt that there were certain calls that were missed. That’s part of the break, we could escaped with the win.”

Naka-45 na biyahe sa stripe ang Hotshots, 26 lang ang Road Warriors. May 25 turnovers ang NLEX – tig-anim sina Kiefer Ravena at Jericho Cruz – na naging 31 points ng kalaban.

Hindi na puwede ang mga ganu’ng collapse lalo’t every-other-day halos ang laro sa shortened conference. Babalik ng AUF powered by Smart 5G ang Road Warriors para harapin ang 1-0 Blackwater mamaya.

The post 'Sumpa' tatagpasin ni Guiao, NLEX first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sumpa-tatagpasin-ni-guiao-nlex/)

Walang komento