Recent Posts

Breaking News

Shaw, Almazan papasok na sa PBA Bubble

MAKAKASAMA na ng kani-kanilang team sina rookie Maurice Shaw at Meralco big man Raymond Almazan.

Makakapiling na ng Blackwater Elite ang kanilang Fil-Am rookie na si Shaw habang si Raymond naman ay makakasama nang muli ang Bolts.

Nauna nang lumapag ng ‘Pinas si 6-foot-9 Shaw nitong nakaraang linggo mula sa Tate ngunit imbes na rekta sa bubble ay sumailalim muna ito sa quarantine.

Samantala, si former Letran star Almazan naman ay nakalabas at na-clear na sa rehab matapos ang tinamong injury sa kanyang left knee sa PBA Finals noong Enero.

The post Shaw, Almazan papasok na sa PBA Bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shaw-almazan-papasok-na-sa-pba-bubble/)

Walang komento