Recent Posts

Breaking News

Scholarship para sa mga gustong mag-doktor, pasado na sa Senado

Lusot na sa Senado ang Doktor Para sa Bayan Act na naglalayong magbigay ng full scholarship sa mga Pinoy na kumuha ng medical course para maging doktor.

Nitong Huwebes ay niratipikahan na ng Senado ang huling bersyon ng naturang panukalang batas na ini-sponsoran ni Senador Joel Villanueva.

Ang naturang bill ay ginawa para matugunan ang kakulangan ng medical doctor sa Pilipinas, kung saan dito sila magsisilbi sa bansa.

“Let me reiterate that the beneficiaries of the free medical education are required to render a return service, fitting and proper to the Filipino people, from medical doctors who were educated from the taxpayers’ money,” lahad ni Villanueva.

“Hindi pa po tayo tagumpay sa COVID-19. Pero dahil sa ratipikasyon ngayon ng bicam report ng ‘Doktor Para sa Bayan Bill’ at harinawa, ang agarang pagpirma rito ng ating Pangulo, binibigyan natin ng mas malaking tiyansa ang susunod na henerasyon ng mga Pilipinong manalo laban sa mga sakit o anumang uri pandemya,” aniya pa.

Sa ilalim ng naturang panukalang batas, pag-aaralin ang mga ‘deserving’ na Pinoy sa mga state colleges and university para maging doktor, at kapag naman walang SUC sa lugar ay sa partner private higher education institutions ie-enroll.

Walang gagastusin ang sinuman na pumasa para sa medical scholarship kung saan sagot ang lahat ng gobyerno mula tuition, miscellaneous fee, internship, licensure fee pati na rin ang tutuluyan ng mga iskolar.

Hihintayin na lang na dumaan ito sa Bicam bago ibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan at maging ganap na batas.

The post Scholarship para sa mga gustong mag-doktor, pasado na sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/scholarship-para-sa-mga-gustong-mag-doktor-pasado-na-sa-senado/)

Walang komento