Recent Posts

Breaking News

San Miguel sabog sa tres ni Nambatac

ISINALBA ni Rey Nambatac sa pagpasok ng malahimalang tres sakto sa pagtunog ng shotclock ang Rain Or Shine tungo sa pagpapalasap ng 87-83 kabiguan sa nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Clark, Pampanga.

Nagawang makuha ni Nambatac ang loose ball at nakalusot sa dalawang Beermen bago diretsong itinara ang tres na diretsong pumasok tungo na sa pagbabalik sa apat na puntos na kalamanagan at pagsungkit ng makasaysayan na unang panalo na nagtala ng franchise history para sa Rain or Shine Elasto Painters.

Pinamunuan naman ni JV Mocon sa 25 puntos, anim na rebounds at dalawang assists ang koponan habang nag-ambag si Kris Rosales ng 14 puntos, anim na rebounds at isan assist.

May 12 puntos, limang rebounds at dalawang assists si Beau Belga, may apat na puntos lamang si Nambatac sa laro.

Agad umarangkada ang RoS sa pagsisimula ng laro sa paghulog ng 16-0 bomba na pinasimulan ni Gabe Norwood ng isang tres at sinundan ni Mocon ng 10 sunod nitong puntos tampok ang dalawang tres bago ang isa pang tres ni Mark Borboran.

The post San Miguel sabog sa tres ni Nambatac first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/san-miguel-sabog-sa-tres-ni-nambatac/)

Walang komento