Recent Posts

Breaking News

San Miguel inaalat, Romeo out sa bubble

INAALAT pa ang San Miguel Beermen sa umpisa ng kampanya sa Clark bubble, walang naipanalo sa unang dalawang salang at napigil sa 1-2.

Lalo pang nameligro ang misyon ng Beermen na maipagtanggol ang korona ng Philippine Cup na limang taon na nilang hawak nang bumagsak si Terrence Romeo nitong Biyernes.

Sa 107-88 loss sa TNT sa Smart 5G-powered AUF gym, nagsalpukan sina Romeo at Tropang Giga guard Ryan Reyes kulang 5 minutes sa second quarter.

Nakahawak sa kanang balikat si Romeo nang ilabas. Hindi maigalaw, dinala agad ang scoring champion sa kalapit na Medical Center.

“Six to eight weeks,” sagot ni SMB coach Leo Austria nang tanungin kung ilang araw mawawala si Romeo. “Talked to him last night, and the doctor said six-to-eight weeks ‘yung healing time.”

Out din sa season si big man June Mar Fajardo na nabalian ng alulod sa ensayo ng Beermen noong February. Hindi sumama ang six-time MVP sa bubble habang nag-re-rehab.

Hindi pa nasusundan ng Beermen ang panalo sa Magnolia noong March 8, opening day. Itinumba rin sila ng Rain or Shine 87-83.

Umuwi na rin kahapon si Romeo sa kanilang tahanan.

The post San Miguel inaalat, Romeo out sa bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/san-miguel-inaalat-romeo-out-sa-bubble/)

Walang komento