Recent Posts

Breaking News

Robredo kay Antiporda: Mga UP expert ‘di deserve bastusin

Sana hindi binabastos ng mga public official ang mga eksperto sa bansa, sabi ni Vice President Leni Robredo.

Pahayag ito ng VP nang hingan ng komento sa pag-akusang “bayaran” ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda sa mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

Matatandaang inakusahan ni Antiporda ang UP Marine Science Institute na naniningil umano sa DENR ng kalahating bilyong piso bilang consultation fee. Bago ito, minungkahi ng UP MSI ang paglalagay ng ahensiya ng mangrove o bakawan kesa sa dolomite sand sa baybayin ng Manila Bay.

Nag-sorry na ang kalihim sa UP community.

“Hindi dine-deserve nung grupo ‘yung pambabastos na ginawa sa kanila. Mahirap na [‘yun] bawiin. Sana hindi ganito, lalong-lalo na kasi public official ‘yung nagsabi,” ayon kay Robredo ngayong araw, sa kanyang lingguhang radio show.

“‘Di ba nga ‘yung research, dapat nalalaman nga ng tao kasi public data naman? Ang nakikita ko lang na dahilan kung bakit ililihim [ay] ‘yung pagde-desisyon [ng gobyerno], hindi nakasunod sa datos,” aniya pa.

The post Robredo kay Antiporda: Mga UP expert 'di deserve bastusin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-kay-antiporda-mga-up-expert-di-deserve-bastusin/)

Walang komento