Recent Posts

Breaking News

Rizal naungusan Metro Manila sa bagong kaso ng COVID-19

Wala na sa top 5 ng mga lugar na may pinakamaraming bagong kaso ng coronavirus disease ang Metro Manila.

Sa inilabas na COVID-19 bulletin ng Department of Health nitong Sabado, nanguna na sa listahan ng “highest number of new cases per province/city” ang Rizal sa naitalang 185 na bagong kaso, sumunod ang Cavite (175), Batangas (159), Quezon City (143) at Bulacan (88).

Samantala, umabot na sa 354,338 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos dumagdag ang 2,673 pasyente.

Dahil dito, umakyat sa 52,423 ang active case sa bansa.

Samantala, lumobo naman sa 295,312 ang total recovery sa 539 bagong gumaling sa COVID-19 habang tumaas sa 6,603 ang death toll dahil sa 73 napaulat na bagong nasawi.

The post Rizal naungusan Metro Manila sa bagong kaso ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rizal-naungusan-metro-manila-sa-bagong-kaso-ng-covid-19/)

Walang komento