Recent Posts

Breaking News

Rivero masayang ‘mabibinyagan’

Nalungkot si Rain or Shine rookie Prince Rivero nang makansela ang PBA noong March 11 dahil sa coronavirus pandemic.

Excited pa naman abiya pati pamilya niya dahil dream come true niyang maglaro sa pros. Unang nagkatotoo ‘yun nang tawagin ang pangalan sa first round – 5th, 6th at 7th picks ng Elasto Painters sina Adrian Wong, Clint Doliguez at Rivero.

Makalipas ang eksaktong pitong buwan mula sa cancellation, balik ang PBA sa Clark bubble sa Oct. 11.

Matutupad na ang matagal hinintay na debut ng dating La Salle cager.

“Now that we’re here and the bubble’s about to start, I’m super happy,” pahayag ni Rivero sa Sports Page. “I’m hyped up.”

Si Beau Belga ang lodi ni Rivero sa RoS. Marami siyang natutunan kay Big Beau, lalo sa mga galawan sa paint.

“I get to see him work and I get to see how he does things,” lahad ni Rivero.

Bukod kay Belga, makakasama ni Rivero sa frontline ng Painters ang dati ring Green Archer na si Norbert Torres at si Jewel Ponferrada.

The post Rivero masayang ‘mabibinyagan’ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rivero-masayang-mabibinyagan/)

Walang komento