Recent Posts

Breaking News

Pulse Asia: Approval, trust ratings ni Duterte habang may COVID nasa 91%

Parehong pumalo sa 91 percent ang approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa top 20 na ang Pilipinas sa may pinakamaraming COVID-19 case sa mundo.

Batay din sa survey ng research company Pulse Asia noong nakaraang buwan, 5 percent ng mga respondent ang nag-disapprove habang 5 percent din ang undecided sa Pangulo.

Samantala, 3% ang kaunti o walang tiwala, habang 6% ang undecided sa trust nila kay Duterte.

Ayon din sa parehong survey, si Vice President Leni Robredo ay may 57% approval rating at 50% trust rating.

Si Senate President Vicente Sotto III naman ay may 84% approval rating at 79% trust rating.

Habang si House Speaker Alan Cayetano ay may approval rating na 70% at trust rating na 67%.

Ayon sa Pulse Asia, kanilang sinagawa ang survey mula Setyembre 14 hanggang 20 sa mga respondent sa iba’t ibang geographic area at socioeconomic group.

Harapan umanong kinapanayam ng private company ang 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas.

The post Pulse Asia: Approval, trust ratings ni Duterte habang may COVID nasa 91% first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulse-asia-approval-trust-ratings-ni-duterte-habang-may-covid-nasa-91/)

Walang komento