Recent Posts

Breaking News

Pulis nagsoli ng P3M alahas, cash

Pinapurihan ng Pangasinan Police Provincial Office si Cpl. Marold Ferrer Cabrera ng Asingan, Pangasinan dahil sa pagbabalik ng bag na naglalaman ng P200,000 cash at alahas na mahigit P3 milyon sa may-ari.

Ani Cabrera, hindi siya natukso sa alahas at pera sa kabila na hindi sapat ang sahod niya para sa pangangailangan ng tatlong anak niya at asawa.

“Pinandigan ko ‘yong pagiging Kristiyano. Sa totoo lang ‘yon naman ang normal na dapat gawin, ang ibalik sa may-ari ang hindi sa’yo. Kaya lang, nagiging big deal kasi hindi na siguro ito normal,” sabi niya sa ulat ng PNA.

Napulot daw ni Cabrera ang bag na naglalaman ng pera at alahas habang kumakain sa isang restaurant sa border ng Pangasinan at Tarlac noong September 18.

Kumakain siya noon nang mapansin na naiwan ng isang babae ang bag kaya kinuha niya ito at sinundan ang sasakyan ng babae.

“I knew they were going to stop because probably at that time, she already noticed that her bag was missing and they were already panicking,” kuwento ng pulis.

Noong Oktubre 12, pinarangalan ni Pangasinan Police Provincial director Col. Redrico Maranan ng letter of commendation si Cpl. Cabrera.

The post Pulis nagsoli ng P3M alahas, cash first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-nagsoli-ng-p3m-alahas-cash/)

Walang komento