Recent Posts

Breaking News

PSC kinumpirma ang P1.4B na pinagkaloob sa Phisgoc

Sa paglilinaw sa ibinigay na P6B pondo sa 30th Southeast Asian Games 2019 na idinaos sa bansa, kinumpirma ni Philippine Sports Commission (PSC) Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na P1.4B lang ibinigay nila sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

“The disbursements were straight forward and paid for expenses they were allocated for,” ani Iroy nitong Huwebes.

Idinagdag ng PSC official na ginawa rin ang pagbili sa mga kagamitan at iba pang serbisyo sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget Management (DBM). Pinagkaloob ang iba sa Philippine Olympic Committee (POC) na mga namili rin ng karamihang sports equipment mula sa mga international at Asian federation accredited suppliers sa iba’t ibang bansa.

Direktang nagbayad ang PSC ng P900M para sa accommodation, sports equipments, transportation, catering, allowances ng technical officials, freight forwarding services, at ibang pinagkagastusan ng Phisgoc.

The post PSC kinumpirma ang P1.4B na pinagkaloob sa Phisgoc first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/psc-kinumpirma-ang-p1-4b-na-pinagkaloob-sa-phisgoc/)

Walang komento