Recent Posts

Breaking News

Proteksyon ng mga consumer online palakasin – Win

Dapat paigtinign pa ang mga patakaran online kaugnay ng pagbibigay-proteksiyon sa mga mamimili, lalo na sa mga nagogoyo ng online seller, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Kasabay ng pag-usbong ng mga negosyo sa online bunsod ng pagpapatupad ng lockdown sa bansa dahil sa pandemya ay ang pagdami rin ng mga binebentang pekeng produkto, bagay na kinabahala ng senador.

“Kailangang palakasin natin ang consumer protection sa ganitong panahon na halos sa online na ang pamimili ng karamihan at dumarami ang mga nagbebenta ng mga counterfeit items o pekeng produkto,” ayon kay Gatchalian, na nagsusulong ng Senate Bill No. 1591 o ang panukalang Internet Transactions Act.

Dismayado ang senador, sa kawalan ng batas na magpaparusa laban sa mga mapanlinlang na online sellers.

“Dapat masolusyunan ito. Kung hindi mabawasan, ay mapigilan ang pagpasok sa ating merkado ng mga pekeng produkto o mga produkto na malaki ang pagkakaiba sa naiprisinta sa online market,” sabi ni Gatchalian.

Aminado din ang senador hindi madaling matukoy ang ibang online sellers dahil sa lawak ng merkado ng online business na sinang-ayunani ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo.

Nauna nang sinabi ni Castelo sa pagdinig sa Senado na walang sapat na panuntunan hinggil sa counterfeit items laban sa pagbebenta sa online.

Dagdag pa aniya dito ang walang kakayanan sa ngayon ang DTI na mapanagot ang mga online sellers lalo na kung hindi sila rehistrado at walang anumang impormasyon para makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.

Sa panukalang batas na Internet Transactions Act, sinabi ni Gatchalian na maaring tugunan ng DTI ang anumang reklamong ipaaabot sa kanila ng mga kunsyumer lalo na kung rehistrado na ang lahat ng online sellers.

Layunin ng panukalang batas magbuo ng isang e-commerce bureau, isang online one-stop shop na ahensya kung saan maidudulog ang mga reklamo ng mga namimili sa online market. Ito rin ay magsisilbing regulatory body sa online selling sa bansa.

The post Proteksyon ng mga consumer online palakasin – Win first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/proteksyon-ng-mga-consumer-online-palakasin-win/)

Walang komento