Recent Posts

Breaking News

Poy dapat relaks lang – Ravena

Mga Laro Martes:
(AUF Gym/Clark, Pampanga)
4:00pm – Rain or Shine vs SMB
6:45pm – TerraFirma vs TNT

Makisalo sa liderato ang asam ng TNT Tropang Giga sa paghahangad sa ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa TerraFirma Dyip na bibitbitin ng dalawang naging top rookie pick sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2020 PBA Philippine Cup na nasa bubble format sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Clark, Pampanga.

Aminado si TNT coach Bong Ravena na maraming kailangan pa na adjustment sa kanyang koponan na bahagya lamang naitakas ang 100-95 na panalo sa unang laro nito kontra Alaska Aces kung hindi sa tulong nina RR Pogoy at team captain na si Jayson Castro.

““We all need to adjust,” sabi ni TNT coach Bong Ravena.

“Poy needs to adust also. Nafa-frustrate siya. He needs to be patient and he needs to adjust. Hindi naman namin siya pabababayaan.”

Muli naman sasandigan ng TNT si Pogoy na nagtala ng career high na 45 puntos kasama ang walong rebounds, 2 assists, 3 steals at 1 block at si Castro na isinalpak ang huling anim na puntos ng koponan para sa kabuuan nitong 28 puntos, 5 rebounds, 2 assists at 3 steals.

The post Poy dapat relaks lang - Ravena first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/poy-dapat-relaks-lang-ravena/)

Walang komento