Recent Posts

Breaking News

Posisyon ni Rivers mamanahin ni Lue

MAMANAHIN ni Tyronn Lue ang binakanteng puwesto ni Doc Rivers bilang head coach ng Los Angles Lakers.

Pinaplantsa na raw ni Lue at ng Clippers management ang five-year deal, ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Si Lue ang coach ni LeBron James nang umahon mula 3-1 deficit ang Cleveland Cavaliers para agawan ng titulo ang Golden State Warriors noong 2016.

Nakabalik ng NBA Finals sa dalawang sumunod na seasons ang Cavs pero sinagasaan lang ng parehong prangkisa ng Warriors sa parehong pagkakataon.

Tumawid si James sa Lakers ng sumunod na offseason, sinibak ng Cavs si Lue matapos matalo ang team sa first six games ng 2018-19.

Sa hiwalay na ulat ni Shams Charania ng The Athletic, si ex-Boston Celtics leader Chauncey Billups ang magiging lead assistant.

Bago ikinahon ng Clippers, malakas ang ugong na si Lue ang kandidatong humawak sa New Orleans Pelicans nang mawala si Alvin Gentry.

Napag-uusapan ding interesado sa kanya ang Rockets matapos kumalas ni Mike D’Antoni.

Masusubok kung paano timunan ni Lue sina Kawhi Leonard at Paul George na kelan lang ay napakawalan ang 3-1 lead sa second round ng West playoffs.

The post Posisyon ni Rivers mamanahin ni Lue first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/posisyon-ni-rivers-mamanahin-ni-lue/)

Walang komento