Recent Posts

Breaking News

Pinoy nagpabasketbol ng isang araw sa Italya

Matagumpay na nakapagsagawa ng isang araw na liga ang mga Pilipinong naninirahan sa Italy na kabilang sa samahan ng Proudly Pinoy FILCOM Basketball Association.

Nairaos na sumunod sa safety protocols at health guidelines ng bansa ang torneo na nagpasigla at naging makasaysayan para sa mga kabataang Pilipino na naninirahan sa Milan, Italy dahil na rin sa kalagitnaan ng quarantine at epekto ng Covid-19.

“Nagpapasalamat po kami na nabigyan ng pagkakataon na tuluyang makapaglaro dahil marami na pong kabataang Pilipino ang lubhang naapektuhan ng pandemic,” pahayag ni Proudly Pinoy founder at organizer Ever Cuerdo.

Tinanghal na kampeon ang Air Ballers habang ikalawa ang Brotherhood. Ikatlo ang Caracciolo at ikaapat naman ang Guardians. Ang ibang kasali ay ang Big Bros, Born Ballers, Bandenere at Blue Eagle.

Iginawad ang MVP kay Roger Syvels Delos Reyes habang ang Finals MVP ay Harvey Artillaga. Ang Rookie of the League ay si Gabe Penaredonda De Jesus habang nasa Mythical 5 sina Christopher Olan, Marc Justine Castaneda Cruz, Kevin Joshua Diaz, Jhesse Augustine Millares at Jerome Santos.

The post Pinoy nagpabasketbol ng isang araw sa Italya first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-nagpabasketbol-ng-isang-araw-sa-italya/)

Walang komento