Recent Posts

Breaking News

PBA PH Cup may laro bawat araw

Mula October 11 hanggang Nov. 11, araw-araw na walang palya ang laro ng PBA restart sa AUF gym sa Pampanga.

Umpisa ng 4:00 pm ang double-header.

“We’re looking at around two-to-three games per week (per team), and then max na siguro ‘yung four times a week,” ani deputy commissioner Eric Castro nang mag-guest sa online PSA Forum nitong Martes.

Iniwasan at siniguro na walang teams ang magkakaroon ng back-to-back games.

“That’s what we’re trying to avoid. May laro ka ng Monday, so probably your next game will be either Wednesday or Thursday,” dagdag ni Castro sa weekly session na hatid mga ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel, Braska Restaurant, PAGCOR, Smart at Upstream Media bilang official webcast partner.

May isang triple-header lang sa Oct. 31 umpisa ng 1 pm – Blackwater vs. Terrafirma, Meralco vs. TNT at Rain or Shine vs. Terrafirma.

Pagkatapos ng 66 games sa eliminations, diretso na sa playoffs at Finals. Pinakamatagal na may makokoranahang kampeon ng season na pinaigsi ng coronavirus pandemic sa Dec. 15.

The post PBA PH Cup may laro bawat araw first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pba-ph-cup-may-laro-bawat-araw/)

Walang komento