Recent Posts

Breaking News

PBA: Cruz 50-50 dahil sa injury

DAY-to-day si Jericho Cruz, hindi pa sigurado kung makakalaro na ang guard sa pagsagupa ng NLEX sa Blackwater sa first game mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym.

Sa fourth quarter ng 103-100 loss ng Road Warriors sa Magnolia noong Miyerkoles, napasama ang bagsak ni Cruz.

Kulang 3 minutes pa sa laro, nabagsakan ni Cruz si Hotshots forward Jackson Corpuz.

Lumabas si Cruz na may 17 points at 5 rebounds, pero pinaghatian nila ni Kiefer Ravena ang 12 sa 25 turnovers ng NLEX.

Wala pang update sa status ng injury ni Cruz.

“Namamaga, kaya day-to-day pa,” ani coach Yeng Guiao kinabukasan ng Magnolia game.

Abot kamay ng Road Warriors ang panalo sa unang dalawang laro, pero sa dulo ay napapakawalan.

Kontra Magnolia ay dumistansiya pa ng 22 ang NLEX bago nag-collapse.

The post PBA: Cruz 50-50 dahil sa injury first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pba-cruz-50-50-dahil-sa-injury/)

Walang komento