Recent Posts

Breaking News

PBA: 19 beterano lipat bakod

KABUUANG 19 na beterano ang magsusuot ng bagong uniporme habang may 24 na rookies mula sa napili na 45 sa ginanap 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft noong October nakaraang taon ang sasabak sa magbubukas muli ngayon na 2020 PBA Philippine Cup restart sa Angeles University Foundation Gym.

Tampok sa mga beterano na sasabak sa bago nilang koponan si John Paul Erram, Simon Enciso, Rodolfo Alejandro at Lervin Flores sa paglipat sa Tropang Giga.

Sina Eduardo Daquioag, Frank Golla, Marion Magat at Jon Jon Gabriel ay kasama na sa Blackweater Elite; sina Brian Heruela, Jay-R Reyes at Jansen Rios sa Phoenix Fuel Masters; sina Jackson Corpuz at Jessie Saitanan ay lalaro para sa Magnolia Hotshots habang sina Riego Gamalinda at Angelo Alolino ay kabilang na sa Beermen.

Sasabak din si LA Revilla para sa Batang Pier; Anthony Semerad sa Road Warriors; Ryan Arana sa Elasto Painters at Aldrech Ramos sa Terra Firma Dyip.

The post PBA: 19 beterano lipat bakod first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pba-19-beterano-lipat-bakod/)

Walang komento