Recent Posts

Breaking News

Patuloy ang tiwala ng mga tao kay Duterte – Go

Hindi umano nagbago ang tiwala ng taumbayan sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang reaksyon ni Senador Christopher “Bong” Go sa 91% na approval rating ni Pangulong Duterte sa Pulse Asia survey.

“This is a continuing vote of confidence of the Filipino people in the leadership of President Duterte,” ani Go sa isang statement.

Ayon sa senador, tinutupad ni Pangulong Duterte ang kanyang pangakong magsilbi sa bayan upang maibigay ang mga pagbabagong inaasam.

“Bagama’t nakakataba ng puso ang 91% approval rating ng Pangulo, hindi pa po tapos ang ating trabaho na maglingkod sa bayan,” sambit pa nito.

Kasabay nito, hinikayat ni Go ang mga kasamahan sa gobyerno na gamitin ang survey na inspirasyon para lalong pagbutihin ang pagsisilbi sa taumbayan bilang pagkilala sa tiwala na ibinigay sa kanila.

Sabi pa nito, habang nilalabanan ng pamahalaan ang COVID-19 pandemic, dapat ipagpatuloy din ang lahat ng mga magagandang pagbabagong nasimulan ni Pangulong Duterte para sa ikabubuti ng bayan.

The post Patuloy ang tiwala ng mga tao kay Duterte – Go first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patuloy-ang-tiwala-ng-mga-tao-kay-duterte-go/)

Walang komento