Recent Posts

Breaking News

‘Pastillas’ scam mastermind may kontak sa Ombudsman – whistleblower

May kontak diumano ang mastermind ng “pastillas” scam sa Office of the Ombudsman.

Ito ang binunyag ng bagong testigo at dating miyembro ng sindikato matapos lumutang sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado hinggil sa iligal na raket sa Bureau of Immigration (BI).

Sa nasabing pagdinig, pinagalanan ni Immigration Officer II Jeffrey Dale Ignacio si dating deputy commissioner Marc Red Mariñas bilang isa sa mga mastermind ng “pastillas” scam.

Si Ignacio ay kasama sa 19 na BI persoonel na nauna nang sinampahan ng kasong graft ng NBI kaugnay ng “pastilas” modus.

Ayon kay Ignacio, sa mga meeting dinaluhan niya kasama ang iba pang opisyal ng BI na pina-subpoena ng NBI, sinabi diumano ni Marinas sa kanila na may kontak siya sa Ombudsman.

“Bago nagsimula [ang meeting], binilinan kami ni Sir Red na lahat ng mapag-usapan ay huwag na lumabas,” sabi nito.

“Ang naalala ko po ay sinabi ni Sir Red na may contact daw sila sa Ombudsman,” dagdag pa nito.

“Sino ang contact ni Mariñas sa Ombudsman? Pati ba Ombudsman ay sangkot narin sa korapsyon? This revelation is worrying and the NBI should look into this immediately,” ayon naman kay Senador Risa Hontiveros, chair ng komite na nag-imbestigasyon sa nasabing anomaly.

Ibinahagi rin Ignacio ang screenshot ng text message kabilan ang isa mga immigration officer na si Fahad Calaca na nagsasabing tutulungan diumano sila ni Marinas na magbayad ng P100,000 bribe sa NBI para hindi masama sa mga kakasuhan.

“Sinabihan kami na mag-ready ng 100,000 bawat tao. Namromroblema ako sa paghanap ng ganitong halaga, pero sabi ni Sir Fahad Calaca, tutulong daw si Sir Red sa pangbayad,” sabi ni Ignacio.

Si NBI legal assistance division Atty. Joshua Capiral, na diumano’y tumanggap kapalit ng hindi pagsama sa kaso ay dinakip sa isang entrapment operation noong Setyembre 21.

Sinabi naman ni Lawyer Emeterio Dongallo Jr., chief ng NBI Special Action Unit na kanilang aalaimin ang katotohanan ng testimoniya ni Ignacio hinggil sa diumano;y kontak ni Marinas sa Ombudsaman.

The post ‘Pastillas’ scam mastermind may kontak sa Ombudsman – whistleblower first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pastillas-scam-mastermind-may-kontak-sa-ombudsman-whistleblower/)

Walang komento