Recent Posts

Breaking News

Pasig River Ferry tigil-biyahe sa water lily

Nagsuspinde muna ng operasyon ang Pasig River Ferry Service matapos mapalibutan ng water lily ang malaking bahagi ng ilog.

Ayon kay Irene Navera, ng Pasig River Ferry Service central administration, sa ulat sa telebisyon, simula pa Sabado ay tigil-biyahe sila dahil sa sobrang dami ng water hyacinth o mas kilalang water lily.

Hindi pa raw sigurado kung kailan makakabalik sa normal na operasyon ang Pasig River Ferry Service.

“From June to November, sobrang dami po, ang bilis po mag-produce ng water hyacinth during rainy season so hindi po namin kontrolado ‘yon,” ani Navera.

The post Pasig River Ferry tigil-biyahe sa water lily first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasig-river-ferry-tigil-biyahe-sa-water-lily1/)

Walang komento