Recent Posts

Breaking News

Pasig River Ferry balik operasyon

Balik operasyon na ang Pasig River Ferry Service nitong Biyernes, dalawang araw matapos barahan ng mga water lily ang ilog na nagpahinto sa biyahe nila.

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik sa normal na operasyon ng ferry mula Escolta Station sa Binondo, Maynila hanggang Nagpayong Station sa Pinagbuhatan, Pasig City.

“The ferry will operate from Pinagbuhatan-Guadalupe-Escolta and vice versa, Mondays to Saturdays, from 6 a.m. to 7 p.m.,” abiso ng MMDA.

The post Pasig River Ferry balik operasyon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasig-river-ferry-balik-operasyon/)

Walang komento