Recent Posts

Breaking News

Pasahero inanod ng baha sa Laguna

Nawawala ang isang lalaki matapos anurin ng rumaragasang baha habang ang dumadaan ang sinasakyang tricycle sa isang tulay sa Liliw, Laguna sa kasagsagan ng pag-ulan ng bagyong Ofel noong Miyerkoles.

Base sa report ng Liliw Police, galing sa isang okasyon, dumadaan ang tricycle sakay ang tatlo pang katao sa spillway sa Barangay Kanlurang Bukal nang habang nasa kalagitnaan na ng tulay ay biglang rumagasa ang baha.

Tinangkang lumabas sa tricycle ang mga sakay nito subalit inanod ang biktimang si Alfie Brosas, 35, residente ng Barangay Maslun habang nakaligtas ang tatlong kasama nito.

Agad nagsagawa ng rescue operation para mahanap ang biktima subalit pansamantalang itinigil kagabi dahil sa kadiliman ng lugar at muling ipinagpapatuloy ngayon.

The post Pasahero inanod ng baha sa Laguna first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasahero-inanod-ng-baha-sa-laguna/)

Walang komento