Recent Posts

Breaking News

Para walang lag sa online class: Mga taga-QC magtipid sa internet – Belmonte

Nakiusap si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang nasasakupan na bawasan ang paggamit ng internet para mabigyan ng mabilis na koneksyon ang mga estudyante sa kanilang mga online class.

“As classes begin today, students need a stable internet connection in order to properly attend their online classes. We appeal to the neighborhoods and community to lessen their internet consumption, particularly on unnecessary video streaming, during class hours,” ayon kay Belmonte.

Pinaiiwas din ng alkalde ang paglalaro ng online games pati na rin ang pag-download ng mga mabibigat na files para hindi aniya paputol-putol ang klase ng mga mag-aaral.

Bukod pa sa paggamit ng internet, pinababantayan din ni Belmonte sa bawat barangay ang mga residente na nagsasagawa ng aktibidad na sagabal sa distance learning, tulad ng karaoke session at pagpapatugtog ng malakas.

“Online classes are challenging not just for the students, but also for the teachers and parents who are helping them. That is why we appeal for cooperation from all residents and support the learning of the children,” aniya pa.

Abot sa 22 milyong public student ang nagsimula sa kanilang mga klase ngayong ‘new normal’ kung saan ipapatupad ang iba’t ibang alternative mode of learning tulad ng modular, online at blended classes pamalit sa face-to-face learning.

The post Para walang lag sa online class: Mga taga-QC magtipid sa internet - Belmonte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-walang-lag-sa-online-class-mga-taga-qc-magtipid-sa-internet-belmonte/)

Walang komento