Recent Posts

Breaking News

Para kay Kobe! Manuel, Ravena nagpalit jersey number

Kung ang LA Lakers ay may ‘Black Mamba’ jersey para magbigay tribute kay Kobe Bryant, dinaan naman nina Kiefer Ravena at Vic Manuel ang kanilang pagkilala sa NBA legend sa pamamagitan ng kanilang jersey number.

Sa unang araw ng PBA restart, nasilayan na ang jersey number 24 sa dalawang manlalaro, na kanilang ginawa bilang pag-alala kay Kobe.

Noon pang Pebrero hiniling ng dalawa na makapagpalit ng numero kasunod ng pagpanaw ni Kobe at anak nitong si Gianna dahil sa pag-crash ng kanilang sinasakyang helicopter.

Bago ang number 24, sinuot ni Ravena sa kanyang buong basketball career ang number 15, habang 87 naman ang huling nirepresenta ni Manuel, na sinunod naman niya sa kaarawan ng kanyang anak.

The post Para kay Kobe! Manuel, Ravena nagpalit jersey number first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-kay-kobe-manuel-ravena-nagpalit-jersey-number/)

Walang komento