Recent Posts

Breaking News

Pangilinan: Unahin ang mga Pinoy worker, hindi Chinese!

Nanawagan si Senador Francis Pangilinan sa gobyerno na i-renegotiate ang mga kontratang pinasok ng gobyerno sa mga Chinese contractor nang sa gayon ay mabigyan ng prayoridad na makapagtrabaho ang mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Ginawa ng senador ang panawagan kasunod ng pagdagsa ng mga manggagawang Chinese sa mga infrastructure project ng gobyerno na pinondohan ng Official Development Assistance (ODA).

“Lalo ngayon kalagitnaan ng pandemya, ito ang mga proyekto isa 31% chinese workers ang empleyado yung isa naman halos kalahati ang dahilan na technical expertise,” pahayag ni Pangilinan sa panayam sa DZBB.

“Unahin natin ang ating mga kababayan. Dapat nga ma-renogiate ang mga kontratang ito, unahin natin ang ating mga manggagawa, karapatan ng ating mga manggagawa na unahin dahil sa pandemya,” dagdag pa nito.

Bagama’t ilan sa mga proyekto ng gobyerno ay pinondohan ng China, iginiit ni Pangilnan na hindi ito nangangahulugan na kailangan silang magdala ng mga manggagawa sa bansa at mait-sapuwera ang ng mga mangagawang Piniy.

“Ang pinakabottom line subject to the approval ng DPWH at ng gobyerno natin, maaari pero ang may huling may pasya ang ating gobyerno kaya yun ang ang itinutulak na ipaglaban natin ang ating mga kababayan,” sabi ni Pangilinan.

“Pwede yun pero technical expertise lang dapat, at number 2 kahit technical expertise yan baka naman kaya natin yun, baka kailangan lang ng retraining, sa atin dapat unahin.

“Final approval is with our government, wag tayong basta basta na lang magpapadikta, kung maaari 95% sa atin tayo ang naghahanap ng trabaho ngayon,” saad pa nito.

Nauna nang sinabi ni DPWH Undersecretary Emil Sadain sa pagdinig sa Senado na mas marami pa rin ang mga Pinoy worker sa mga proyekto kesa mga Chinese.

Sa tiantayong Estrella-Pantaleon bridge, 69% ng mga mangagagawa ay Pinoy habang 31% naman ay mga Chinese habang sa Binondo-Intramuros project, 55% ay mga Pinyo habang 45% naman ay mga Chinese.

Iginiit naman ni DPWH Secretary Mark Villar na minsan ay pinapaboran ang mga foreign worker dahil sa kanilang “special function”.

Pero paniwala ni Pangilinan, kaya ring gawin ng mga Pilipino ang sinasabi nilang mga “high technical” na trabaho kaya’t hindi na kailangan kunin pa ang mga dayuhang manggagawa.

The post Pangilinan: Unahin ang mga Pinoy worker, hindi Chinese! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangilinan-unahin-ang-mga-pinoy-worker-hindi-chinese/)

Walang komento