Recent Posts

Breaking News

Palasyo: Reklamo sa IBC 13 ipaabot sa opisina ni Duterte

Pinayuhan ng Malacañang ang mga empleyado ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC) 13 na iparating sa Office of the President (OP) kung inaakalang hindi inaaksiyonan ang kanilang reklamo ng mismanagement at umano’y katiwalian sa government television station.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang IBC 13 ay nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at kung hindi kuntento ang unyon ng IBC 13 sa aksiyon ay maaari nila itong iparating sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We will defer the matter to PCOO dahil ang PCOO ang nakakasakop sa IBC 13. Kung gusto ng unyon na mag-imbestiga ang Office of the President (OP) ay lumiham kayo dahil tiyak naman na makakarating ang liham ninyo sa Presidential Management Staff ,” ani Roque.

Kabilang sa reklamo ng unyon ng IBC 13 ay umano’y iligal na taas sahod para sa mga opisyal nito at hindi pagbabayad ng mga benepisyo ng mga manggagawa na nagkakahalaga ng P478 million, at P146 million sa value added tax.

Dumistansiya naman si Roque at tumangging magkomento sa pahayag ng IBC 13 union na wala umanong ginawang aksiyon si PCOO secretary Martin Andanar sa kanilang reklamo sa kabila ng mga pulong at sulat na ipinarating sa kanya.

“Kung hindi po kayo satisfied sa naging response ng PCOO, sumulat po kayo sa tanggapan ng Presidente at ipararating ko yan kay Usec Quitain.

The post Palasyo: Reklamo sa IBC 13 ipaabot sa opisina ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-reklamo-sa-ibc-13-ipaabot-sa-opisina-ni-duterte/)

Walang komento