Recent Posts

Breaking News

Palasyo nagpaliwanag sa RTVM coverage sa paghalal kay Velasco

Nagpaliwanag ang Malacañang matapos kuwestiyunin ang coverage ng Radio Television Malacañang (RTVM) sa paghirang kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.

Sa harap ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang makialam sa gusot sa pagitan nina Velasco at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa inilabas na pahayag ni Assistant Secretary Kris Ablan ng Policy, Legislative Affairs and Freedom of Information, ang RTVM team sa Batasan ay ni-request ng House of Representative noong Agosto para sa live coverage ng budget deliberations para sa 2021 General Appropriations Act.

Ang RTVM team ay nasa Batasan ngayong Lunes para paghandaan ang muling pagbabalik ng sesyon ng Kamara subalit inabisuhan umano ang RTVM crew na dumiretso sa Celebrity Sports Plaza kung saan mayroong aktibidad ang kampo ni Velasco.

Sinabi ni Ablan na ang request ay nagmula kay Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy.

Agad nilinaw ni Ablan na ang RTVM coverage sa kampo ni Velasco ay walang kinalaman sa posisyon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa sitwasyong politikal sa Kamara.

“The RTVM coverage this morning does not reflect the PCOO’s position on the present political situation in the HOR or any partisanship on the matter,” ani Ablan.

Tumugon lamang aniya ang RTVM sa hiling na coverage sa layuning maihatid ang mga tunay na impormasyon at transparency sa gobyerno.

“The RTVM has committeed itself in this endeavor to help promote transparency amongst the different executive departments and agencies, the HOR and the Filipino people on the government’s planned tax expenditures for the upcoming fiscal year,” dagdag ni Ablan.

The post Palasyo nagpaliwanag sa RTVM coverage sa paghalal kay Velasco first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-nagpaliwanag-sa-rtvm-coverage-sa-paghalal-kay-velasco/)

Walang komento