Recent Posts

Breaking News

Pagluklok kay Velasco na Speaker, balido – IBP prexy

Valid ang pagluklok kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker, ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) president.

Sa kabila ito na isinagawa ang botohan sa labas ng Batasang Pambansa.

Ipinunto ni IBP National President Domingo Cayosa na sa ilalim ng rules, “Congress ideally or traditionally conducts business in Batasan, but they can agree to conduct business anywhere by majority vote.”

“This has happened in the past. It can be online. With 186 votes, they can decide to change the rules,” dagdag ni Cayosa.

Magugunitang sinabi ni incumbent Speaker Alan Peter Cayetano na “peke” ang sesyon kung saan inihalal ng 186 kongresista bilang bagong Speaker ng Kamara si Velasco sa Celebrity Sports Complex sa Quezon City nitong Lunes.

Ani Cayetano, labag iyon sa mga rule ng Kamara at Konstitusyon.

Pero ayon kay Cayosa: “In so far as the Constitution, it does not prescribe the details. It only says the House of Representatives will elect its officials.”

The post Pagluklok kay Velasco na Speaker, balido – IBP prexy first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagluklok-kay-velasco-na-speaker-balido-ibp-prexy/)

Walang komento