Recent Posts

Breaking News

Paggamit ng Beep card sa EDSA Busway ‘di na required

SDC

Sinuspinde na ng Department of Transportation (DOTr) ang mandatory use ng mga “Beep” card sa EDSA Busway simula ngayong Lunes, Oktubre 5.

Ito’y matapos tanggihan ng Beep card service provider AF Payments, Inc. (AFPI) ang hiling ng gobyerno na i-waive ang bayad sa mismong card na ₱80, bukod pa sa load dito.

“We are saddened by the refusal of AF Payments, Inc…to waive the cost of the beep card despite consistent pleas made by the government,” sabi ng DOTr.

“This would have made a big difference to the commuters, mostly daily wage earners who are the most affected by the COVID-19 pandemic,” dagdag ng ahensiya.

Ayon sa DOTr, sususpindehin ang mandatory na paggamit nitong mga card hanggang “maresolba ang isyu”.

Sa ngayon, pwedeng magbayad ang mga pasahero sa EDSA Busway sa dalawang paraan: pwede pa ring gamitin ang Beep card sa mga meron na nito, at tatanggapin din ang bayad na cash sa mga istasyon.

The post Paggamit ng Beep card sa EDSA Busway 'di na required first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paggamit-ng-beep-card-sa-edsa-busway-di-na-required/)

Walang komento