Recent Posts

Breaking News

OFW sa low-risk country pwedeng ‘wag na mag-COVID test

Tinitingnan ng Department of Health (DOH) ang pag-quarantine na lang nang 14 araw sa mga pauwing overseas Filipino workers (OFW) imbes na sumailalim sa COVID-19 RT-PCR test.

Sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible itong gawin kung hindi available ang swab test.

Ito, matapos itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang coronavirus tests nito dahil sa P930 milyong utang sa kanila ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sabi ni Vergeire, inaayos na ng PhilHealth at PRC ang problema.

The post OFW sa low-risk country pwedeng 'wag na mag-COVID test first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ofw-sa-low-risk-country-pwedeng-wag-na-mag-covid-test/)

Walang komento